Friday, 25 April 2014

BACK TO "B A S I C S"



Medyo matagal na din akong hindi nakapag-update ng blog almost 2 weeks na. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan ang next topic ko, which is “BACK TO BASICS”. Pero ngayon, I’m glad dahil may naging inspirasyon ako para mabuo ‘to :)



Last week, may MGA naging problema ako. Sa family, relatives and even sa kaibigan ko. Sa tingin ko naging okay lang naman ang lahat at nasolve naman yung problema ko sa Family ko and sa Relatives ko, may isang bagay pa akong pilit na inaayos hanggang ngayon. Syempre, yung samin ng kaibigan ko. :(



Ano bang nangyari? Pinahulaan ko sa iba pang kaibigan ko, sabi ng iba “Baka kasi may nasabi kang di maganda?”, “Baka napikon sa asaran niyo?”, “Baka naman may problema din siya?” isa lang sinagot ko sa kanila, “Kung sakali mang may problema yun, magsasabi sakin yun. Problema nga nila ng Papa niya sinasabi niya saken eh.” Pero pati ako natanong ko sa sarili ko, “May nagawa ba akong hindi maganda para hindi niya ko i-chat, itext, i-like yung mga posts ko, mag-comment o kahit anong paraan para lang magparamdam saken?”



Hanggang sa isang araw, naka-online kaming dalawa. Hindi ko alam kung mag-me’message ako kasi naman naka-ilang message na ko pero sinubukan ko, isa lang sinabi ko “Hi. Kamusta kana? Sorry na kung may nagawa man ako sayo”. Nakakainis man na mag-sorry kasi alam kong wala akong ginagawang mali pero ginawa ko para lang matapos yung pag-aalala ko. Syempre, sinagot naman niya yung message na ‘yon. Tinanong ko yung dahilan kung bakit hindi siya nagpaparamdam, sabi niya dahil daw sa FEELINGS ko. Nagulat ako, napaisip at bumalik sa mga nakaraang pag-uusap namin, pero wala naman akong dahilang nakita para ‘yon ang i-reason niya saken. Sinabi niya na parang gusto niyang lumayo. Grabe! Hindi ko mapaliwanag yung pakiramdam ko. Naiinis ako, nagagalit ako, naaasar ako nung panahon na ‘yon. Hindi niya ba naiisip na wala na ‘yon? At totoo yung sinasabi ko, wala na talaga ‘yon. Simula noong may nagugustuhan siyang iba, tinigil ko na kasi alam kong masasaktan lang ako at mas masasaktan pa ako lalo kapag tinuloy ko.




Kamusta naman kami ngayon? Ayun, balik sa dati pero may lamat na. Nasaktan ako, nasaktan siya, wala eh. Ganun talaga. May mga bagay na dapat isampal muna sayo bago ka magising. Bumalik ako sa Basic, inuna ko ulit yung sarili ko, yung pamilya ko, kasi sila lang naman nakakaintindi sakin. Naging mas focus pa ako sa kapatid ko, sa mga pinsan ko, sa business namin pero hindi ibigsabihin ayoko na siyang maging kaibigan. Magiging okay naman lahat, oras lang hinihingi ko. Mahirap maiwan sa ere ng hindi mo alam ang rason, at mahirap din malaman na dahil sayo kaya nasisira ang magandang relasyon.



Simula noong bumalik ako sa dating ako, mas naramdaman ko pa yung sarili ko, naging mas Masaya ako, mas naging Practical at mas Natuto ako. Ganun pala yun, kapag mas binigyan mo pa ng panahon yung sarili mo magiging “MAS” ka pa. After all, isa lang masasabi ko, God is so Good talaga! Hindi Niya ko pinabayaan, hindi Niya ako hinayaan na masaktan ulit ng sobra at sobrang Thankful ako kasi sa kabila ng lahat binibigyan Niya ako ng SOBRANG DAMING reason para mag-SMILE at magpatuloy pa after ng marami kong problema. Lahat tayo dumadaan sa taas-baba ng buhay, pero wag natin kakalimutan na palaging nandiyan si Lord para sa atin. Hindi porket bumalik tayo sa pagiging Basic is mawawala or mababawasan yung FAITH natin dahil lang sa nasaktan, nalungkot o nagalit tayo sa iba, kaya tayo bumalik sa basic para mas matutunan pang itama ang mga pagkakamaling nagawa natin, para mas malaman pa natin kung ano ang maliliit na bagay na nasimulan natin para ma-apply sa mga panahon na mabigat ang ating kalooban at upang mas maging matatag pa tayo sa susunod na maaaring mangyari. Ingatan natin ang ating mga sarili, ang ating mga puso, pati na rin yung mga taong palaging nandiyan para sa atin. Huwag tayong mahihiya na kausapin at ilabas ang lahat sa kanya, tandaan; Magbago man lahat ng tao sa atin, iwasan, talikuran at saktan, hinding hindi gagawin sa atin ‘yon ng Panginoon dahil mas mahal Niya tayo kaysa ating inaakala. God Bless everyone! :) Put God First in our lives. #LessonLearned



Power Verse: For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." Jeremiah 29:11 #GodsPromise #HoldOn

Wednesday, 9 April 2014

"I'm in-love with you": Love or Infatuation?

"Mahal mo ba ako dahil kailangan mo 'ko o Kailangan mo ako dahil Mahal mo 'ko?" Isang line sa palabas na Milan na ginampanan nila Claudine Barretto at Piolo Pascual ang hindi ko makalimutan dahil ang line na ito, noong una kong marinig ay parang parehas lang ang ibigsabihin pero ngayon naiintindihan ko na.





Para mas higit pa maintindihan yung line, gawin na lang natin na LOVE vs. INFATUATION.

(definition)
Love- A decision to commit oneself to another and to work through conflicts instead of giving up. (Commitment)
Infatuation is the state of being completely lost in the emotion of unreasoning desire. (addictive chemical reactions in the brain/Crush/Lust)
(http://www.diffen.com/difference/Infatuation_vs_Love)




Gaya nung line na binitawan ni Claudine, tayo ba naiisip ba natin kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit natin Mahal o Gusto ang isang tao? Minsan kasi nadadala lang tayo sa smile, sa porma, sa pananalita at minsan sa ganda o gwapo at dahil sa minsan na yun nasasabi nalang natin bigla na Mahal natin ang isang tao pero hindi naman talaga. Infatuation lang kapag ganun, hindi Love.




Minsan pa nga kapag naging close na ko ni Crush at feeling mo Crush ka din niya hindi magtatagal sasabihin mo nalang "Alam mo ang bait mo talaga, kaya mahal kita eh." may paganyan-ganyan kanang nalalaman. Nagpapatalo kasi tayo sa mga imagination natin, yun bang iisipin mong forever agad kayo eh yung totoo Crush palang naman. Dahil sa mga maliliit na bagay na ginagawa at iniisip natin, tinutulak natin yung sarili natin  para masaktan dahil sa isang padalus-dalos na desisyon. Tapos sa huli, magagalit tayo sa taong akala mo na nanakit satin pero hindi natin naisip na maghinay-hinay noong in-love pa tayo sakanya.




Love is a decision not just a feeling. It is giving sacrificially, not just for convenience. Love is ETERNAL, not just for a MOMENT. Kung hindi yan yung meaning at nafefeel mo about Love, nako mahirap yan. Bukod sa panandalian lang yan, masasaktan ka pa. Although maeexperience talaga nating masaktan kasi nagmamahal tayo pero I'm 100% sure na yung sakit na yun is may halong pagsisisi.




Bakit ba kasi natin kailangan magmadali para "mahanap" ang True Love? Sa totoo lang, hindi yan hinahanap kusa yang dumarating. Hindi mo kailangan mag-try ng mag-try pumasok sa isang relasyon para lang malaman or mag-bakasakali na baka yun na nga yung iniexpect mo. It takes time para dumating yun, just wait. Hindi porket parehas kayo ng gusto at ayaw kayo na talaga, isipin din natin na hindi lang yun ang basehan ng Love. Lahat naman tayo dumarating sa point na nagkakagusto tayo sa isang tao pero sana lagi nating iisipin na mag-control ng feelings para hindi ka na rin masaktan. Sabi nga, "Crush is Paghanga sometimes nawawala".






Syempre para hindi tayo masaktan ng bongga, "Put God first in you Life". Maganda kung magkakaroon ka ng Partner na si God ang Center kasi I believe that God is Good and no matter what happen He will RESTORE and RENEWED your relationship. Trust God. He will give you the Best! Guard your heart Friends. Just Wait, wala namang mawawala kung maghihintay. God Bless you everyone! #GodsPrincess014



Power Verse: "So don't get tired of doing what is good. Don't get discouraged and give up, for we will reap a harvest of blessing at the appropriate time." Galatians 6:9 






Tuesday, 8 April 2014

I MUST.

"I pray for all your love
Boy our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me
This is something like a movie
And I dont know how it ends boy
But I fell in love with my Best Friend"
Best Friend by Jason Chen
--
Yan yung una kong naisip bago ko simulan yung post ko. Di ko alam kung dahil sa kinakanta ko lang ngayon or may naiisip ako? Yung kantang yan, isa yan sa mga favorite music ko. Ang ganda kasi ng beat tska Idol ko si Jason Chen dahil sa mga kanta niyang punong puno ng meaning. Pero ngayon, hindi ko alam kung bat ko naiisip tong kantang to, sa totoo lang naririnig ko ng malinaw lahat ng words na sinasabi sa kanta. (Senti lang?) HAHAHA!


Sa panahon ngayon, mahirap ng maniwala sa destiny kasi halos lahat ng kabataan gusto ng INSTANT. Gaya ng INSTANT RELATIONSHIP, pero ako naniniwala ako sa DESTINY at RIGHT MAN. Ayoko ng masyadong instant. Isang tao ang nagpaintindi saken ng totoong ibigsabihin ng WAIT tska PATIENCE. Kung babalikan natin yung kanta, sabihin na nating siya si BEST FRIEND.



Nga pala, speaking of Best Friend madami sa mga kabataan ay na-be'BESTFRIEND ZONE. Best Friend Zone, katulad din siya ng Friend Zone pero ang case lang dito is yung Best Friend mo na yung "halos" mag-REJECT sa feelings mo. Na-BEST FRIEND ZONE din ako, dalawang beses.


Siguro may mga nagtatanong na sa inyo kung baket ako nag-eexpress ng ganito. Simple lang, kasi MASAYA na si BEST FRIEND kay Cinderella niya. (Fantasy lang eh no?) Syempre sa dami na ng tinype ko, yung iba sa inyo nahulaan na yung point ko. I admit, nasaktan ako at nasasaktan ako, pero wala akong magagawa, Best friend niya ko kailangan niya ng support ko. Yung tipong sinasabi ko "Masaya ako sa inyo, grabe. Kilig overload" may ganyan pa kong nalalaman pero sa totoo lang "Sakit OVERLOAD" ang nararamdaman ko. Kahit na sabihin nating magkaibigan lang kami, mahalaga na yung tao saken. Totoo yung sabi ng mga kaibigan ko sakin, "Mahirap daw ma-in love kay Best Friend kasi wala kang pagsasabihan ng nararamdaman mo kasi sakanya ka mismo nagkaroon ng Feelings eh.



Gusto ko lang mag-iwan ng isang advice, para na rin sakin at sa ibang nararanasan ang nangyayari sakin ngayon. "Hindi naman siguro masama kung mas pipiliin natin ang PAGKAKAIBIGAN, hindi dahil wala ng chance kundi dahil yun yung MAS TAMA." Alam kong di ganun kadali yun, pero it takes time kaibigan. God is always there for us. Iwan man tayo ng iba, saktan, paiyakin pero si GOD hinding hindi niya magagawa yun. PATIENCE and TRUST lang yan. Kung hindi man si BEST FRIEND ang magiging the BEST sayo, alam ko at naniniwala ako na may MAS THE BEST pa si GOD. Just wait. God Bless Everyone! ^_^ #GodsPrincess

Let's Start! :)