Medyo
matagal na din akong hindi nakapag-update ng blog almost 2 weeks na. Hindi ko
kasi alam kung paano sisimulan ang next topic ko, which is “BACK TO BASICS”. Pero ngayon, I’m glad
dahil may naging inspirasyon ako para mabuo ‘to :)
Last
week, may MGA naging problema ako.
Sa family, relatives and even sa kaibigan ko. Sa
tingin ko naging okay lang naman ang lahat at nasolve naman yung problema ko sa
Family ko and sa Relatives ko, may isang bagay pa akong pilit na inaayos
hanggang ngayon. Syempre, yung samin ng kaibigan ko. :(
Ano bang nangyari? Pinahulaan ko sa iba pang
kaibigan ko, sabi ng iba “Baka kasi may
nasabi kang di maganda?”, “Baka napikon sa asaran niyo?”, “Baka naman may
problema din siya?” isa lang sinagot ko sa kanila, “Kung sakali mang may problema yun, magsasabi sakin yun. Problema nga nila
ng Papa niya sinasabi niya saken eh.” Pero pati ako natanong ko sa sarili
ko, “May nagawa ba akong hindi
maganda para hindi niya ko i-chat, itext, i-like yung mga posts ko, mag-comment
o kahit anong paraan para lang magparamdam saken?”
Hanggang sa isang araw, naka-online kaming
dalawa. Hindi ko alam kung mag-me’message ako kasi naman naka-ilang message na
ko pero sinubukan ko, isa lang sinabi ko “Hi. Kamusta kana? Sorry na kung may
nagawa man ako sayo”. Nakakainis man na mag-sorry kasi alam kong wala akong
ginagawang mali pero ginawa ko para lang matapos yung pag-aalala ko. Syempre,
sinagot naman niya yung message na ‘yon. Tinanong ko yung dahilan kung bakit
hindi siya nagpaparamdam, sabi niya dahil daw sa FEELINGS ko. Nagulat ako,
napaisip at bumalik sa mga nakaraang pag-uusap namin, pero wala naman akong
dahilang nakita para ‘yon ang i-reason niya saken. Sinabi niya na parang gusto
niyang lumayo. Grabe! Hindi ko mapaliwanag yung pakiramdam ko. Naiinis ako,
nagagalit ako, naaasar ako nung panahon na ‘yon. Hindi niya ba naiisip na wala
na ‘yon? At totoo yung sinasabi ko, wala na talaga ‘yon. Simula noong may
nagugustuhan siyang iba, tinigil ko na kasi alam kong masasaktan lang ako at mas
masasaktan pa ako lalo kapag tinuloy ko.
Kamusta naman kami ngayon? Ayun, balik sa dati
pero may lamat na. Nasaktan ako, nasaktan siya, wala eh. Ganun talaga. May mga
bagay na dapat isampal muna sayo bago ka magising. Bumalik ako sa Basic, inuna
ko ulit yung sarili ko, yung pamilya ko, kasi sila lang naman nakakaintindi
sakin. Naging mas focus pa ako sa kapatid ko, sa mga pinsan ko, sa business
namin pero hindi ibigsabihin ayoko na siyang maging kaibigan. Magiging okay
naman lahat, oras lang hinihingi ko. Mahirap maiwan sa ere ng hindi mo alam ang
rason, at mahirap din malaman na dahil sayo kaya nasisira ang magandang
relasyon.
Simula noong bumalik ako sa dating ako, mas
naramdaman ko pa yung sarili ko, naging mas Masaya ako, mas naging Practical at
mas Natuto ako. Ganun pala yun, kapag mas binigyan mo pa ng panahon yung sarili
mo magiging “MAS” ka pa. After all, isa lang masasabi ko, God is so Good talaga! Hindi Niya ko pinabayaan, hindi Niya ako
hinayaan na masaktan ulit ng sobra at sobrang Thankful ako kasi sa kabila ng
lahat binibigyan Niya ako ng SOBRANG DAMING reason para mag-SMILE at magpatuloy
pa after ng marami kong problema. Lahat tayo dumadaan sa taas-baba ng buhay,
pero wag natin kakalimutan na palaging nandiyan si Lord para sa atin. Hindi
porket bumalik tayo sa pagiging Basic is mawawala or mababawasan yung FAITH
natin dahil lang sa nasaktan, nalungkot o nagalit tayo sa iba, kaya tayo
bumalik sa basic para mas matutunan pang itama ang mga pagkakamaling nagawa
natin, para mas malaman pa natin kung ano ang maliliit na bagay na nasimulan
natin para ma-apply sa mga panahon na mabigat ang ating kalooban at upang mas
maging matatag pa tayo sa susunod na maaaring mangyari. Ingatan natin ang ating
mga sarili, ang ating mga puso, pati na rin yung mga taong palaging nandiyan
para sa atin. Huwag tayong mahihiya na kausapin at ilabas ang lahat sa kanya,
tandaan; Magbago man lahat ng tao sa
atin, iwasan, talikuran at saktan, hinding hindi gagawin sa atin ‘yon ng Panginoon
dahil mas mahal Niya tayo kaysa ating inaakala. God Bless everyone! :) Put
God First in our lives. #LessonLearned
Power Verse: For I know the plans I have for you,”
declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you
hope and a future." Jeremiah 29:11 #GodsPromise #HoldOn